Sunday, November 27, 2011

time to back ...

hayst,
na miss ko talaga ang magblog sobra, halos two year na ata akong nkalimot dito. simulang nagtrabaho ako, dahil na rin sa sobrang pagod. nakalimutan ko na ang online diary o bespren ko ...
2 year din ako di nkapagpost, i think august2009 pa. after graduation ko pa ata ng college un, tungkol pa smen un ng mga klasmate ko ng college, hahah ... tagal din nga nun, simula ngaung gabi pero hndi ko maipapangako, magbblog na ulet ako kapag may free time ako, na miss ko talaga toh, kase wla akong pagsbihan ng nraramdaman ko .. kapag galit ako, msaya o in love kahit basted sa babae, na torpe, current events naman . hahahah ... balik-blog !
hapee to write agen!

Friday, August 7, 2009

Kongratz!!!

March 27, 2009, Areh! na nga..
hayst, parang kelan lang ng unang pumasok kaming lahat sa Colegio ng Lungsod ng Batangas... Dalawang taon na ang nakaraan.. pumasok ng hindi magkakakilala sa pagkaraan ng dalawang taon pagsasama-sama sa LUNGKOT at LIGAYA nagtapos kaming lahat ng parang magkakapatid...
hayst, sayang talagang balikan ng lahat ng pangyayari lalo ng ung mga masasaya... Areh! na nga ang araw, ang araw na pinakamimithi ng bawat isa sa amin... Ang pagtanggap ng Katibayan... syempre, napakasaya namin lahat nasa aming CP-AM ang dalawa sa pinakamagaling sa COMPUTER PROGRAMMING... syempre, sinu pa nga ba e, di sina albert at atong... (TRIVIA: Alam nyo bang pinaggitnaan ako ng dalawang yan... "Panaligan - Perez - Ramirez"). Si albert ang Valediktoryan namin, Si atong 5th placer naman.. syempre, dapat gumawa ng Valediktoryan Address si Mr. President-Valediktoryan.. un gumawa ng drama ng drama si Mr. President-Valediktoryan, umiyak kasi sa madaming hirap ng matanda sa kanyang buhay... After ng graduation ceremony todo piktyuran ang mga camera shy na ang CP-AM... halos malobat ang lahat ng may dalang camera e.. kahit saang sulok ng quadrangle wala kang di makikitang nag-fflash na camera... natapos un mga 8pm.. nag-uwian na ang lahat...
CP-AM Mahal na Mahal ko kayong lahat... Kongratz, mag TOLZ....
"WE DESERVE IT"


-Typing's OVER

RETURN of the come BACK...

Ang haba ng panahon na rin na hindi ako nakakapagBLOG at nakakapagPOST dito sa BLOG ko.. hayst, halos half year din ang nakalipas... parang kelan lang ang lahat na guamgawa ng website at nagpopost ng mga entries para makapasa... wahahah... Marami din ang araw at buwan ang nakalipas.. Maraming nangyari... tulad ng paggawa ng thesis.. Requirements para makagraduate, hayst, sobrang hirap tlaga nun, nagkapatungpatung ang lahat ng problema. Kahit papano nakaya namin lahat un.. ilang ERROR din ang DINEBUG para maipresent ng maayos sa mga panel... ilang OVERNYTS din ang nangyari para lang matapos un, ilang KAPE din ang natimpla at nainom para lang di makatulog, ilang BOY BAWANG at mag CHICHA ang nkain para pampalipas oras habang naCOCOMPILE ng pagkatagal-tagal, ilang PRE-DEFENSE ang nangyari para malaman kung ano pa nag dapat idagdag at dapat na alisin at kung alin ang medyo mapapnasin ng mga panel pagdating ng JUDGEMENT DAY... wahahah, ilang PAGES din ng DOCUMENTATION ang na RE-WRITE at ilang FLOWCHART ang na REVISE, sa awa ng DIYOs natapos namin lahat un kahit na papano, may ERROR pa ng pineresent namin un sa mga PANELIST... Kahit na walang instructor ang nagtuturo natapos namin un... Nang walang nangyayaring papagawa ng THESIS sa mga PROGRAMMER...
at maraming desisyon ang nangyari....
at ang mahalga sa lahat hindi kami nagkakakgali-galit...
siguro ko0nti lang, di naman kasi maiiwasan un e... pero madali namang naayos..
at lahat ng hindi magkakaclose naging magkakaclose...
kahit na mahirap nagagawa pa rin naming maging masaya...
AUTOCLIP.NET at sa iba pang grupo... kayang-kaya nating lahat yan, basta nagsasama-sam at nagtutulungan...

-Typing's OVER

Tuesday, December 2, 2008

All Saints Day...

haizt... aga ko nagising nun ahhh... kasi nga pauwi na kami ng batangas... xempre para ihatid ako pauwi at dumalaw sa mga kamag anak na namatay... cguro umalis kami mga 6 am... pra daw di traffic sa daan... (kahit na matraffic sa daan... dala naman namin si HERBY... "pangalan ung ng kotse ni ate"....) ang bilis namin nkarating dito sa batangas... bilis magpatakbo ni ate e.... un dumating kami cguro mga 7.30am.... mismong pagkababa namin sa sasakyan... lipat naman sa isang sekot.... dun naman sa kapatid ko... ("Totoy Bibbo" another nym ng sekot...) un isa ring mablis magpatakbo... parang kanya ang kalsada... napunta kasi kme sa San Luis... sa May Lemery para dalawin ung Ninong namin... na patay na... "sumalangit nawa ang kaluluwa ng ninong".. hanggang 12 kami dun sa may puntod nya... na sobrang init... mga 2 pm.... kumain na kami ng masarap at super yummy na lunch.... heheh... sarap kasi magluto ni papa... at habang kumakain kami na pagusapan ung swimming... na hanggang ngaun e... hindi pa natutuloy... ("sayang 1st time mo na sana makaligo sa swimming pool") haizt.... sayang nga.... ung matapos ang ilang oras na tsismisan... umalis din kame... pramiz next year sama ulet ako... tapos kwento ulet....

Tuesday, October 28, 2008

Now Showing...(High School Musical 3)

Opens October 24, 2008

NOW SHOWING...

----> tara nood kau... sama nyo ako hah... xempre dapat libre... ganda kasi nyan... napanood ko na ang High School Musical 1 at 2... super ganda.... cguro hhintayin ko na lang yan maging DVD ung pirated tapos bibili ako kahit magkano.. kasi mahal kung sa sinehan ko sa panonoodin ...sa mga manonood enjoy watching... cguradong mageenjoy kau.... kasi ng sobrang ganda...

Sunday, October 19, 2008

i think im fall in love...

haizt... naalala ko nung first year ako... meron akong nakitang girl na taga "DE LA SALLE LIPA" na super ganda nya... maputi maganda pa rang lahat ng gusto ko sa girl na sa kaya na... eto ung kwento... ahhmm... naghihintay ako ng jip para pumasok na ng skul cguro mga 6.30 a.m. un tapos ung girl nakita ko xa.... tapos un nagkatiniginan kamin sa mata sa mata... un na parang wla lang.. tapos un sumakay na din ako ng jip... tapos un araw araw ko na xang nakikita... un napagisip-isip ko na parang na "LOVE AT 1ST SIGHT" ako sa kanya.... un naging habit ko na ang gumising ng 4 a.m. para lang makita xa... minsan kapag hindi ko xa nakikita parang ngang hindi ko xa nakikita... hindi na bubuo ang araw ko... kaya nga cguro ako nagtaob sa lab ung isang entry ko... kasi ang alam ko xa ang iniisip ko... kaya ako nalaglag sa upuan... di ba dati wala akong iniintindi...tulad ng pag-aaral ko at ang sarili ko hindi ko man lang maayos... simula nung makita ko xa natuto akong maging maayos sa sarili ko... ung girl cguro 4th year high skul pa nun... kasi tanda ko nun inilagay ko sa celfone ko... ung lagi nyang suot... tuwing Lunes- P.E. uniform tapos Martes Hanggang Biyernes- Skul uniform...at ung lagi nyang dalang bag na black and white ung sa "Nightmare before Christmas".... talagang hindi ako nsakay ng jip kahit umulanman o umarawikita kahit 7 a.m. ang time ko... kaya laging late ako minsan sa Algebra e..... cguro nadaan un 6.17 to 6.45 a.m. ..... kasi inoorasan ko xa kapag dumaan xa... ang theme song ko sa kanya ung "Beautiful Girls" ni Sean Kingston kasi sikat na sikat ung kantang un e... kasi tugma ung kanta para sa kanya.... may nagustuhanakong lyrics dun para sa kanya "....'coz you driving me crazy..." at isa pa kaya ko xa nagustuhan kasi kamukha xa ni "_ _ _ _ _ _ _" .... kasi artistahin talaga xa.... pati alam ko kapag na dating na xa ung puso ko parang tatalon sa kaba.... at alam mo marami akong gustong itanong sa kanya..... ung pangalan nya, ung celfone no. nya, o ung friendster account nya.... alam mo naisearch ko na talaga xa sa friendster... pero wala e... (wla ata ung friendster account e...) ilang oras din ung nasayang para mahanap ko xa.... pero sa pagkakaalam ko dun xa nakatira sa abacan subdivision sa calicanto.... malapit kina lola.... kaya minsan niyaya ko ang mga pinsan ko na magbike dun sa subdivision.. pero wla pa rin akong nakita e...(cguro hindi xa nalabas ng bahay... kaya cguro maputi)...cguro nga.... un minsan napapanaginipan ko xa... na nakasay daw akong jip... tapos daw xa e... bumaba dun sa may abacan subdivision.... tapos bumaba din ako at naglakas loob ako na itanong ang pangalan nya... tapos sa pagbaba ko ng jip na wala na xa... tapos un nagising na ko.... (syang...) pero pinangalanan ko xa na PATRICIA.... basta ewan ko kung bakit un ang naipangalan ko sa kanya... ahhhh... alam ko may tumawag sa kanya na taga UB na lalaki... tapos tinawag xa ang pakinig ko e... "PATRICIA"...kaya cguro Patricia tinawag ko sa kanya... at ilang araw din akong dinalaw sa panaginip ni PATRICIA... ahhhmmm..eto ung kwento.... nagaabang daw ako ng ako sa kanya dun sa may bus stop dun... kung saan na may marami may maraming taga La Salle na nagiintay ng bus para pumasok... ahmmm un dumating xa.... xempre kinakabahan ako.... gustong gusto ko talagang malaman ung name nya... e etong lolo nyo na chope (means natakot)... kaya un nakasakay na xa ng bus.... at umiyak daw ako.... un hanggang dito muna....

....to be continue

Saturday, October 18, 2008

Luvticle 004 (September Ends)

haizt..tuwi na lang september ang puso laging tumitibok sa isang babae... kasi naman e... nakilala ko xa nung september din... naligaw na na-ligaw...haizt... ang sakit talaga nun... etong dumaang september parang tumibok naman ung puso ko sa kanya... ewan ko ba?!!.. kung pwede lang talagang turuan ang puso.. 'di sana sa iba ko na lang ibinigay noh... sa dinami dami ng babae sa mundo xa pa... at ang masakit pa nun ayaw nya sau... at sa tuwing may nakikita akong may kasama xang iba nagseselsos ako kahit di naman kami... kahit nagtetext ako na di xa nagrereply... haizt... ang sakit talaga nun... kaya sa susunod na SEPTEMBER wag na sanang tumibok sa kanya ang puso ko... kahit na ganun xa pa rin ang gusto ko... haizt... "wake me up when september ends"...